Biyernes, Nobyembre 14, 2014

          Pamilya Ang Inspirasyon Ko


                 Pamilya ko ang nag-impluwensya ng aking buhay 
sapagkat sila ang aking lakas at lumbay
             Sila ang tinatakbuhan pag may problema ako 
Sila ang naging sandigan ko nitong buhay ko


                 Kaya nag-susumikap ako ng husto
 Upang sa darating na panahon
 Masusuklian ko ang lahat ng kanilang pag-sisikap
 Sisikapin kong makapagtapos upang pangarap nila ay maganap

Sila ang nagturo kong paano makisalamuha
Natutunan ko kong paano mapagkumbaba 
Kaya ang saya ng pakiramdam
Na pamilya mo ay nagtutulungan

Susubukan kong minimithi nila ay maganap
Upang makabawi naman ako sa kanilang pagsisikap
Kakayanin ang lahat ng pagsubok
Salamat sa pamiya kong ibinigay ni bathala.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento